Isang walang kwentang araw na naman ako matatapos pero bago matapos ang unang araw ng July gusto kong isulat ang mga bagay na wala namang kasense-sense...wala lang naisip ko lang mag-share. Ano bang nangyari ngayong araw? Hindi ko alam kung matutuwa ako, maiinis o dapat ba wala akong emosyon na ipakita.
Well...madami lang talagang mga estudyante sa school namin na feeling...yung tipong akala mo sila na ang magaling sa lahat ng bagay...yung tipong naka-achieve lang sila ng maliit na bagay eh super proud na sila sa sarili nila, hindi ko naman sinasabi na wag sila maging proud ang akin lang wag sanang yumabang..kasi kung payabangan lang ang labanan...wala ako nun sa katawan hahaha...hindi ako insecure or what ayoko lang yung nakakuha ka lang ng bagay na napakadaling makuha ehh akala mo ikaw na ang unang taong nakapunta sa araw hahahaha. Meron pang pa-english english na nalalaman. Bakit kaya di na lang nya hawakan ang lahat ng posisyon mula Presidente hanggang P.R.O di ba?
Anim na oras akong nakatulala sa school at na anim na oras din akong nadidismaya...sa mg tao. Puro payabangan at pasosyalan pero wala namang patutunguhan...pakiramdam ko nagsasayang lang ako ng oras sa bawat pagtingin ko sa kanila. Napaka-walang kwenta pati ng adviser ng course department..oo nga magaling sya magturo..pero dapat ba sa araw-araw na ginagawa ng Papa God ay paulit-ulit din ang pagmamalaki nya sa lahat ng na-achieve nya? Oo nga andun na ako sa may na-achieve sya dahil sa matalino sya kesyo ganito at ganun...pero Dios ko naman! Unli kakaulit? Nakaka-bobo kaya!!!!




0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento