Huwebes, Hunyo 30, 2011

Bobo Minsan? Di bale my kinabukasan pa naman

Hindi ako fanatic nang English na salita, maka-bayan akong tao at mahal ko ang wikang Pinoy...pero minsan sa sobrang lalim ng mga salitang tagalog na nababasa ko sa mga libro o kaya minsan naririnig ko sa ibang tao eh talaga namang na-bobobo na ako sa pag-intindi ng wikang Pinoy...kumbaga mas gusto ko yung simpleng salita lang. Katulad na lang ng "NAKAKARIMARIM", malay ko ba kung ano ang ibig sabihin nun di ba? Kaya minsan mas madali kong intindihin ang ibang salita kung naka-English form ito. Ang sarap-sarap makipag-usap sa ibang tao kung alam mong kaya mong makipag-sabayan di ba? Mag-kakaintindihan kayo...hindi yung tipong tango ka lang ng tango sa mga bagay na hindi na kayang abutin ng batang isipan mo.

Minsan naman...nakaka-bobo ang SPELLING...natatawa na lang ako sa sarili ko kapag oras na ng klase ko sa isang propesor namin na mahilig sa dictation...kailangan ko pang sumilip sa papel ng kaibigan ko para lang makita ang spelling ng mga salitang alam ko talaga ang spelling pero bigla akong mabablanko...tulad na lang ng salitang "BELIEVE", "SPECULATE", "BLANK", at "STUNNED"...nakakahiya, pero totoo. Kahit sino naman na-bobobo minsan.

Minsan pati sa pagtawid, hindi ako tumitingin sa kaliwa o kanan kaya magugulat na lang ako na may sasakyan palang dadaan..pero minsan lang ito mangyari dahil mahalaga ang buhay ko para sa akin, kailangan pag-ingatan. Mayroong oras na nakasakay ako sa isang patok na jeep...sa sobrang bilis akala ko babangga na ito sa kasalubong na sasakyan...tang ina! nag-flash back bigla mga pinag-gagawa ko sa buhay..mga kabutihan, kasamaan at kabobohan.


Di talaga maiiwasan ng isang taong maging bobo minsan..pero sana naman wag na nating dalasan ang minsan...TANDAAN: "Lahat nang sobra....NAKAKAMATAY!!!" Okay lang ang minsan meron pa namang kinabukasan.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento